Di na naman ako makatulog naaalala ko kasi si nanay,ayokong magdrama ngayon sa kabila ng napakadaming problema na kinakaharap namin ngayon.Katwiran ko ,ang problema naman nasa isip lang talaga di kaharap.Hehe ,nakanang.Seriously mabigat ,pero di ko kayang timbangin.
Anyway,naisip ko na lang alalahanin yung magagandang bagay na nangyari sa amin before pambalanse ba.
Aaminin ko may time dati na wala kaming makain.Hehe toinks.Sabi ni nanay kahit daw minsan gutum na gutom kami we should be very thankful to Him kasi lumaki kaming malalaking bulas I know u know exactly what I mean naman na diba.Being part of a not-so-big family ,is sobrang cool na sobrang nakakainis na sobrang nakakamiss naman kapag malayo ka sa kanila.Hey ,if you’re thinking right now kung ilan kaming magkakapatid well ,we’re 8 ..Yup walo po kami .I don’t know exactly how my mada were able na palakihin kami ng ganito.I remember when I was still a kid,pag topic na sa school kung ilan daw kaming magkakapatid,nahihiya ako sabihin na walo nga kami pero lately ko lang narealized na I should be very thankful.
Si tatay ko naman ,maaga kinuha ni Lord si Tatay ,ewan ko kung nagpasundo ba siya or kusa na lang lumitaw sa harap ng Diyos ,hehe.Maybe you’re thinking kung bakit ganito mga padali ko,simple lang nung namatay kasi tatay ko ,sa hirap na rin naman ng pinagdaanan niya ,narealized na lang naming pamilya niya na ,kapiling na siya ng Diyos at sigurado yun mas nakakapagpahinga na siya .Kasi nung nasa lupa pa siya,busy kasi siya lagi.Magluto,maglaba ,magpaligo sa iba kong kapatid ,maghatid ng panglunch ni nanay ang iba kong kapatid tapos sa gabi may meeting pa sila ng mga ka-associates niya sa GSM Association.(Ginebra San Miguel ) Yup hindi ako nahihiya ito isulat ngayon kasi kahit umiinom tatay ko never naman siya nambabae.Promise .In fact kaya nga ang pangalan ko ngayon ay (ABCDEF) kasi yun ang pangalan pala nung babaeng pinakamamahal dati niya ,nalaman lang ni nanay nung nabinyagan na ko toinks.hehe.Pero infairness kay tatay kaya kami naging walo ,kasi lagi sila nag-aaway ni nanay nun,pero infairness din kay nanay,mahal na mahal nila isa’t-isa kaya di niya iniwan tatay ko,kaya infairness di ko pa rin nagets why nga naging walo hehe.Pero ok lang yun ,atleast hindi 12 da ba.Before nga pala namatay tatay ko avid fan yan ng sexbomb group of Eat Bulaga,gusto daw niya eh ang tugtog pag libing niya eh mga kanta ng Sexbomb ,eh hello,kumusta naman yun.Hehe.I know naman na di siya galit sa mga sinulat kong ito ,kasi sa kabila ng problema mahal namin siya at sana bantayan niya kami lagi
May time din noon na galing sa Saudi tatay ko,may mga pasalubong pa siya noon.Andami sobra promise like toblerone,tas kurtina,tas toblerone ulit,tapos may curtain ,tas yuing iba di ko na alam,nga pala meron pa yung yung umiilaw-ilaw na flower vase na akala ko nun pangmayaman lang tas nung namalengke kami ni nanay meron din pala sa palengke nun ,inisip ko na lang imported yung sa amin.
May mga sabon pa ,woww….binigyan ko pa nga teacher ko nun eh,saka yung crush ko na maykanya nung tindahan na inuutangan namin lagi hehe.Tapos nung pauwi na kami sa school nang kaklase ko ,sabi nung classmate ko ,bakit ganyan pa din bag mo eh ,dumating na pala tatay mo.Tingnan mo nga itong bag ko,bago saka pag binuksan mo siya sa loob andami kang pwedeng ilagay.Sabi ko naman ,ok lang atleast ako naman may honor eh ikaw wala.Tapos nagtawanan lang kami .Grade 2 pa lang ako nun.Akala niya di ko dinibdib yung tungkol sa bag ko,habang pauwi ako ,sinira ko yung zipper ng bag ko ,tas nung malapit na ko sa bahay ,nakita ko si Tatay ,sabi ko tay pwede mo ba kong bilhan ng bag ?Sumagot naman tatay ko,di na kailangan may bag ako jan para sa’yo,teka lang tapusin ko muna ito.Sobrang lapad ng pagkakangiti ko ,ayos din talaga tatay ko,may pasurprise-surprise pa ,di pa kaagad ibinigay .Nang biglang pumasok na siya sa kuwarto nila ni nanay,bag ba kamo?Eto oh gamitin mo ,matibay ito sobraat may gulong pa,tiyak pag ginamit mo ito sa school pagtitinginan ka nilang lahat.Wahhhhhhh,wag na lang hmpp.Kay nanay na lang ako papabili .Tawa siya ng tawa.
Well ,bakit ko tinanggihan ? Ikaw ba gagamitin mo ba yung maleta niya na kasya ata ako dun ,pilosopo kasi talaga tatay ko,tipong kahit minsan wala kaming makain ,pero sa mga padali niya,mabubusog na kami katatawa.
*** Nung sinisimulan ko sulatin itong blog na ito,naisip ko na dapat yung tipong nagkukuwento lang ako ng mga masasayang pangyayari sa buhay namin dati ,kasi ngayon sobrang dami kasi naming problema.Pero ewan ko ngayon mismo nag-iba bigla ang mood ko,parang nalungkot ako,naisip ko kung buhay lang si tatay ,sigurado ipagtatanggol niya si Nanay sa mga problema nito ngayon.Nakakamiss naman sobra.Walo kaming naitaguyod ni nanay sa kabila ng 5 taong pagkamatay na ni tatay.S***,bday pala nang bunso namin nung Sunday nakalimutan ko din.
Malayo ako ngayon sa kanila.Nandito ako sa ibang bansa nagsisikap na makatulong kina nanay ,na malampasan lahat ng problema.I am 20 years old right now,pero my older brother and I made a promise na hinding hindi namin babayaan ang family namin.
Sana tulungan kami lalo ni Lord na malampasan ito.
Sana lagi niyang babantayan ang family ko.Alam ko din hindi Lord tatay ko,pero sana bantayan niya mga kapatid ko,kapag halimbawa babatukan ni Sister ko si younger brother ko,sana batukan niya din si sister para fair,or kaya magpakita na lang siya bigla.Sana din pag makikipagdate sister ko eh magpakita din siya bigla para matauhan ,kasi naman po She’s only 16.
Just kidding.I know my father is in a very ncie place now,kahit sbai niya dati sa langit wala nang beer.
Nasa 5-23 lang ang ages nga mga kapatid ko,pero kahit Si nanay na lang ang magulang namin,it doesn’t mean this is the end of the world.Kahit 2 % lang ang nakikita kong solution sa problema ni nanay ngayon still di ako nawawalan ng pag-asa.Ayokong mag-emote.Ayokong malungkot.Dahil pag nalungkot ako ,maiiyak ako,nakakabaliw ang isipin na hindi ko man lang mayakap si Nanay ,at mga kapatid ko.Ayokong mabaliw dito,tho’ minsan naisip ko magsuicide na ,Thanks God ,kasi before ko magsuicide nagresearch muna ko sa internet kung pano ba proseso pag namatay ako ganun,nalaman ko na lang mahal pala mag-uwi ng dead body sa Pinas pag galing sa ibang bansa lalo pa’t sa Europe magmumula.So sinong magbabayad nun diba?Baka mamaya hindi nila ako ipalibing niya,alangan naman maglakad ako papunta sementeryo.Hehe ,kaya buhay pa ko ngayon.Jokeeeee.Syempre continue buhay para dumating ang araw na makasama ko ulit si nanay ,na hindi na siya iiyak kung saan kukuha ng pagkain para bukas.
Damn! I miss them so much.
That’s my life.Will write more next time.Pampalubag loob.Mas ok kasi isulat na lang kesa naman ishare to sa katrabaho kong Greek,eh umiiyak na ko’t lahat tanong pa rin ng tanong ,ti kaveis?yiati?Ola Kala? which means How are you?why?Everything’s ok? Eh hello,iiyak ba naman ako kung ok ang lahat sa akin.Hehe.Hirap umiyak ng Greek .hmmppp.
Kalinita.